Maraming mga Pinoy ang humanga sa ginawang diorama ng
isang commissioned artists.
Bukod kasi sa taglay na creativity ng obra ay gawa rin
ito sa mga recyclable na materyales na siyang kinabiliban ng mga Pinoy online.
Sa post ni Christian Gloria, ibinahagi nito ang mga
larawan ng kaniyang obra na may caption na, “Finally Done! ‘MUNTING PALENGKE’
Diorama Commissioned”.
Mapapansin sa mga larawan na gumamit ang naturang artist
ng Sintra Board, Foam Board, Wood Plank, Popsicle Sticks, Aluminum (tin cans),
Resin, Airdry Clay, Metal Strings, & Bonsai Wires, Thread, Fabrics,
Cardboard, Papers, Prints, Plastics, at iba pang recyclable materials.
Gumamit din ito ng acrylic paint para sa last touch ng
kaniyang obra.
Sa unang kita, aakalain mong ito’y makatotohanan dahil kahit
hanggang sa maliliit na mga detalye ng nasabing artwork ay mapapansin na
kuhang-kuha nito ang totoong mukha ng isang tindahan.
Sa ulat, inaabot ng isang buwan ang pagkumpleto ng
diorama.
Samantala, maraming netizens ang pinuri ang gawa ni Christian.
“Ang galing ah! Ang colors, ang details. Parang naaamoy
ko na nga. Galing!”, komento ng netizen.
“Grabe kalupet naman niyan!!!!”, ani ng isa pang netizen.
0 Comments