28 PATAY SA HEAT WAVE SA SOUTH KOREA



Nakapagtala na ng 28 nqa namatay sa South Korea mula sa heat-related illnesses dulot ng nagpapatuloy na heat wave sa lugar.

Ayon sa Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA), aabot sa kabuuang 3,019 ang nailistang kaso ng heat-related, kung saan ang monitoring ay sinimulan noong Mayo 20.

Ito na ang ikalawang pinakamataas na bilang ng mga kasong naitala, sunod sa 4,526 kaso na naitala noong 2018.

Samantala, sinabi ng Korea Meteorological Administration na ang heat wave ay posibleng magtagal hanggang sa simula ng Setyembre.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog