P64/MEALS A DAY, HINDI ISANG “FOOD POOR”



Kapag ika’y gumagastos ng mahigit P64 sa tatlong meal sa isang araw, hindi ito maikukunsiderang “food poor”.

Ito ay batay sa datos mula sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Ipinahayag ni Neda chief Arsenio Balisacan na as of 2023, ang buwanang limitasyon ng pagkain para sa isang pamilya na may limang miyembro ay P9,581, na nasa humigit-kumulang P64 bawat tao.

Dagdag pa rito na nakapaloob na sa P64 ang tatlong meal kada araw kung saan lumalabas na P20 ang tinatayang na halaga ng pagkaing ginagastos sa kada tao.

Sinabi pa ni Balisacan na ang food-poor threshold ng bansa noong 2021 ay nasa P55 habang P63 naman sa 2023.

Samantala, inaasahan namang tataas ang food-poor threshold ngayong taon sa P67 sanhi ng tumataas na inflation rate sa bansa.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog