Pormal nang umamin ang
Kapamilya actor na si Jericho Rosales na nasa getting-to-know stage na sila ng
actress na si Janine Gutierrez.
Sa isang media conference sa
cast ng “Lavender Fields”, ibinunyag ni Rosales sa unang pagkakataon ang
totoong relasyon nito kay Janine.
“We’re getting to know each
other. We’re dating,” he shared. “I’m in a really, really good moment in my
life. My friends know. My family knows. Everything. And it’s time for me to
just really go with the flow.
Mas lalo pang naintriga ang
mga netizens nang magkomento ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon sa ipinost nitong
mga larawan ng pagbisita sa naturang museo.
Sa kaparehong buwan,
naispatan din ang dalawa na magkasama sa isang bar sa Katipunan.
Sina Janine at Echo ay
magkasamang gaganap sa paparating na revenge series ng ABS-CBN na “Lavender
Fields”.
Samantala, si Echo ay
matatandaang hiwalay na sa asawa nitong
model na si Kim Jones habang si Janine ay naging unang karelasyon ang Kapuso
actor na si Rayver Cruz at nali-link kamakailan kay Paulo Avelino.
0 Comments