Ka-K5, kaya mo bang iwan ang trabaho para sa iyong
kasintahan?
Isang lalaki ang naglakas-loob na magpasa ng resignation
letter sa kaniyang boss upang iwan ang kaniyang trabaho.
Ang dahilan?
Wala na kasi itong “bebe time” sa kaniyang jowa?
Sa isang ulat, mababasa sa isinumiteng resignation letter
ng isang lalaking empleyado na nawawalan na ito ng oras sa kaniyang love life
matapos na hindi magtugma ang kanilang oras.
Kung saan, madalas kasing nag-aaya ng date ang girlfriend
nito tuwing Biyernes at Sabado ngunit hindi siya makasipot dahil lagi siyang
may duty.
Dagdag pa niya na lagi siyang pinagsasabihan ng nobya na puro
na lamang ito dahilan
mula
Lunes hanggang Sabado, at hindi rin siya puwede tuwing Linggo dahil kailangan
niyang maglaba at magsimba.
Inamin naman ng lalaki na ayaw niyang hiwalayan siya ng
nobya nang dahil sa trabaho nito kung kaya’t napagdesisyunan nitong bumitiw sa
trabaho.
Hiling pa ng lalaki na sana’y maintindihan ng kaniyang
employer ang naging desisyon nito.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula
sa netizens.
"Loving-loving ngayon, iyak at hiwalayan
later."
"Magde-date nga kayo, wala ka naman pang-date
hahaha."
"Ay saan ka kukuha ng pang-date mo? Time management
lang 'yan..."
0 Comments