Arestado ang isang South
African na si Jolene Plessis matapos na makuhaan
ng ipinagbabawal na gamot sa
NAIA Terminal 3 nitong Agosto 13.
Sa ulat, mag-a-alas-6 kagabi
nang mapansin ng mga tauhan sa NAIA Terminal 3 ang kahina-hinalang gamit sa
bagahe ni Plessis.
Nang kumpiskahin, dito na
tumambad ang nasa limang kilong shabu na aabot sa P35,802,000 ang halaga.
Napag-alaman na si Plessis
ay sakay ng flight EY 424 mula sa Abu Dhabi.
0 Comments