Sugatan sa iba’t ibang
bahagi ng katawan ang nasa anim na miyembro ng kapulisan nang maganap ang pagsabog
sa loob mismo ng PNP station ng San Simon Pampanga.
Sa ulat, nangyari ang
insidente nang magkaroon ng pagsalo-salo at samgyupsal sa loob ng tanggapan
bilang selebrasyon sa wedding anniversary ng hepe at asawa nito.
Sa hindi inaasahang
pangyayari ay bigla nalang sumabog ang butane na isang substandard na siyang
ginamit sa pagluluto para sa samgyupsal.
Nagtamo naman ng first at
second degree burn sa mukha at katawan ang mga biktima kabilang na ang asawa,
ilang kaanak at dalawang non-uniformed personnel.
Sa ngayon ay patuloy pa ang
isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng insidente.
0 Comments