Natagpuan na ng mga divers ang limang katao na sakay ng
superyacht na lumubog sa isang isla sa Italy.
Sa ulat, sakay din ng lumubog na yate ang UK tech tycoon
na si Mike Lynch at ang anak nitong babae na 18-anyos.
Matapos ang tatlong araw na search and rescue operation,
nakapagtala na ng anim na patay habang patuloy pang pinaghahanap ang isang indibidwal.
Wala pang opisyal na pagkakakilanlan ang mga narekober na
katawan ngunit si Lynch at ang kanyang 18-taong-gulang na anak na babae na si
Hannah ay kabilang sa mga nawawala matapos na hampasin ng bagyo ang yate na
kanilang sinasakyan sa Italian Island.
Samantala, bago pa lumubog ang naturang yate ay nailigtas
pa ang 15 kataong sakay nito kabilan na ang asawa at babaeng may isang taong
gulang na sanggol.
0 Comments