Kinilala na isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang
namatay sa engkwentro sa Sitio Mapa, Barangay Culyat, Valderrama, Antique, nitong
Sabado ng umaga, August 24, 2024.
Sa ulat, nakilala ito kay John Alminaza Capio, alias
Ronron (PSR-L), 38 anyos, Squad Leader ng RSDG Madia-as Platoon, KR-Panay at
residente ng Sitio Kadinglian, Barangay Boloc, Tubungan, Iloilo.
Tumagal naman ng limang minuto ang tinagal ng
pagpapalitan ng putok sa pagitan ng NPA at mga sundalo.
Narekober din sa insidente ang 4 Assault Rifles, 5.56mm
(M16); 1 Assault Rifle, 7.62mm (M14); 15 rounds of 7.62mm live ammunition; 43
rounds ng 5.56mm live ammunition; at long magazines for M16 rifles.
Napag-alaman na si Ronron ang dating team leader ng
nabuwag na grupo ng NPA na Southern Panay Front.
0 Comments