Binigyan ng Australia ang milyon-milyong mga empleyado ng legal na karapatan na mag-‘disconnect’ mula sa kanilang mga employer.
Kung saan, pinapayagan ang mga manggagawa na huwag
pansinin o isantabi ang mga hindi naman importanteng pakikipag-ugnayan ng kanilang
mga boss sa hindi oras ng trabaho.
Ang naturang batas ay kapareho din sa mga batas na
ipinapatupad sa ilang bansa sa Europa at Latin America.
Tinanggap naman ito ng Union at sinabing isang paraan ito
upang mabawi ng mga empleyado ang kanilang libel ng work-life balance.
"The union movement has won the legal right for
Australians to spend quality time with their loved ones without the stress of
being forced to constantly answer unreasonable work calls and emails," saad
ni Michele O'Neil, president ng Australian Council of Trade Unions.
Samantala, noong 2017 ay unang ipinakilala ng France ang
karapatang mag-disconnect na umaasang matugunan ang kulturang “always on” na
pinadali ng mga smartphone at iba pang mga digital na device.
0 Comments