Sugatan ang apat na katao kabilang na ang isang pulis sa
nangyaring pag-atake ng pananaksak sa Sydney nitong Linggo.
Ayon sa pulisya, ito ang pinakabagong serye ng pag-atake
ng saksak sa pinakamalaking syudad sa Australia ngayong taon.
Dagdag pa dito, nasa kustodiya na ng mga pulis sa lugar
ang lalaking nagtangka pang tumakas sa krimen.
Hindi naman nananiniwala ang pulisya na may nasawi sa
nangyaring pag-atake na sinundan ng isang aksidente sa katimugang suburb ng
Engadine.
Sa inilabas na cctv footage, nakunan nito ang dalawang
sasakyan na sangkot sa nangyaring banggaan nan aka-cordon ng police tape.
Samantala, noong buwan ng Abril ay anim katao ang namatay
at 12 ang sugatan sa kapareho ring klase ng pag-atake sa isang mall sa Bondi
area ng Sydney.
0 Comments