MEGWORLD, MAGBIBIGAY NG FULLY-FURNISHED BGC CONDO SA MGA PINOY NA GOLD MEDALIST SA 2024 PARIS OLYMPICS



Makakatanggap ng tig-iisang fully-furnished condominium unit sa BGC ang mga Pinoy na gold medalist sa nagpapatuloy na 2024 Paris Olympics, ayon sa Megaworld.

Ang ibibigay na mga condo ay nagkakahahalaga ng P24-milyon at matatagpuan sa 50-hectare McKinley Hill township ng kumpanya sa Taguig City.

Sinabi pa ng Megaworld na ito’y bahagi ng kanilang ika-100 taong selebrasyon sa paglahok sa Olympic Games at isa sa kanilang paraan ng pagdiriwang ay bigyang-pagkilala ang mga talentadong Pinoy na Olympic gold medalist.

Matatandaang iginawad kay weighlifter Hidilyn Diaz ang P14-milyon condominium unit sa Eastwood City nang makuha nito ang kauna-unahang Olympic gold medal sa 2021 Tokyo Olympics.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog