CARLOS YULO, MULING NASUNGKIT ANG IKALAWANG OLYMPIC GOLD MEDAL



Muling pinahanga ng 24-anyos gymnast na si Carlos Yulo ang mga kababayan nito sa nakamit na tagumpay sa ikalawang pagkakataon.

Ito’y matapos na mapanalunan ni Yulo ang Olympic gold medal sa men’s vault artistic gymnastics finals ng 2024 Paris Olympics sa Bercy Arena nitong Linggo.

Nauna nang nasungkit ng Filipino gymnast ang Olympic gold medal sa Men’s floor artistic gymnastics nitong Sabado.

Bagama’t naging mahigpit ang laban nito kontra sa 31-anyos na si Artur Davtyan ng America ay hindi naman binigo ni Yulo ang mga Pinoy nang maungusan ang pumapangalawa sa ranggo na si Davtyan.

Samantala, susulong naman para sa Olympic gold medal ang dalawang boksingero na pambato ng Pilipinas na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog