LALAKI, NAWALAN NG KALIWANG MATA DAHIL SA LANGAW

 


Tinanggalan ng kaliwang mata ang isang lalaki sa China matapos itong ma-impeksyon nang hampasin ang langaw na dumapo sa kaniyang mukha.

 

Sa ulat ng South China Morning Post, napatay ng nagngangalang Wu ang isang langaw na walang-tigil sa pagdapo sa kaniya partikular na sa mukha nito.

 

Ilang sandali pa, naging kulay pula, namamaga at nakakaramdam na ng sakit si Wu dahilan na agad itong nagpakonsulta sa ospital at dito na siya na-diagnosed na seasonal conjuctivities, isang pamamaga sa tissue na nagtatakip sa loob ng eyelids at puting parte ng eyeball.

 

Bagama’t umiinom si Wu ng gamot ay lalo lang lumala ang kondisyon nito hanggang sa apektado na rin ang kaniyang paningin.

 

Ayon sa mga doktor, hindi na anila kakayanin ng gamot ang impeksyon kung kaya’t inirekomenda nilang tanggalin ang kaliwa nitong eyeball.

 

Samantala, inabisuhan naman ng mga doktor ang publiko manatiling kalmado kapag mayroong mga langaw na dumadapo malapit sa mata at huwag itong hampasin.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog