POLITICAL LEADER NG HAMAS, NAPATAY SA IRAN

 



Napatay ang Hamas leader na si Ismail Haniyeh kaninang umaga sa Iran, ayon sa militanteng grupong Palestinian.

Kinumpirma din ito ng Revolutionary Gurads ng Iran ilang oras matapos nitong dumalo sa isang panunumpa ng bagong pangulo ng bansa.

Sa ulat, namatay sa inilunsad na airstrike si Haniyeh kung saan isinisisi ang nangyari sa Israel.

Wala namang komento ukol dito ang Israel.

Nangyari ang insidente nang dumalo si Haniye sa isang inagurasyon ng bagong pangulo ng Iran sa Tehran, Iran.

Dahil sa nangyari, posibleng mag-trigger ng paghihigante laban sa Israel ang Iran o sa makapangyarihang Lebanese na kaalyado nitong Hezbollah at mag-udyok sa Hamas na huminto sa mga buwan ng negosasyon para sa tigil-putukan sa Gaza.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog