Himas-rehas ang lalaking 54-anyos matapos na mahuling
nagpo-produce at nagbebenta ng mga videos ng mga batang inaabuso.
Ayon sa Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group
(PNP-ACG), nagpatupad na ang kanilang ahensya ng search warrant sa suspek upang
siyasatin ang mga naipong datus nito na naglalaman ng mga video ng batang
inaabuso.
Ang operasyon ay ikinasa kasunod ng isang natanggap na
report mula sa National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC) na
base sa mga imahe na kumalat sa social media platforms.
Samantala, naglunsad naman ang PNP-ACG’s Women and
Children Cybercrime Protection Unit (WCCPU) ng isang online probe at
cyberpatrol upang matukoy ang online accounts ng suspek kung saan nito
ibinebenta ang mga video ng mga biktimang inabuso.
0 Comments