Kinilala ng TIME Magazine bilang 2024 Kid of the Year ang
15-anyos na si Heman Bekele mula sa Annandale, Virginia matapos makaimbento ng
isang sabon na gamot sa skin cancer.
Si Bekele ay isang sophomore sa W.T. Woodson High School
ay nakakuha ng pagkilala sa pambansa nang maka-develop ng abot-kaya at isang
compound-based na bar ng sabon.
Ang naturang sabon ay magsisilbing mas accessible sa
paghahatid ng medikasyon sa pagdating ng panahon upang gamutin ang skin cancer
kabilang na ang melanoma.
Nagsimulang pasukin ni Bekele ang mundo ng siyensa sa
murang edad nang mapansin nito ang malalang epekto ng sobrang init sa balat ng
tao.
“I saw so many people working long hours under the hot
sun,” ani Bekele.
“What keeps me
pushing forward is thinking back to the impact that I will be able to have on
those groups of people when I one day release that bar of soap”, dagdag pa
nito.
0 Comments