Harap-harapang itinumba ng suspek ang sikat na disc
jockey (DJ) at rapper sa probinsya ng Pangasinan nitong Martes, Agosto 6.
Kinilala ang biktima na si Tony Joe Labong Coquia,
33-anyos at mas kilala bilang MC at DJ Sultan Toj ng Barangay Libsong West,
Lingayen, Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkasundong magkikita ang
suspek at biktima na pawang magkakilala, sa isang lugar upang ayusin ang gusot
sa kanilang dalawa.
Matapos ang pag-uusap ay bumalik sa kaniyang sasakyan ang
biktima.
Ngunit, sinundan ito ng suspek na binuksan pa ang pinto
ng sasakyan at dito na siya pinagbabaril sa mismong harapan ng asawa nito at
kaibigan.
Mabilis namang tumakas ang suspek sakay ng isang sasakyan
habang isinugod naman sa ospital ang DJ subalit idineklara din itong patay na.
Pahayag ng pulisya na posibleng hindi pagkakaunawaan sa
fraternal affiliation ang dahilan ng pagpatay.
Dahil dito, kinondena ni Mayor Belen Fernandez ang
pagpatay kay Coquia na siya pang nagcompose ng election campaign
jingle nito.
0 Comments