Nagdesisyun si Vic Sotto na hindi na paglaruin ang
contestant sa segment na ‘Peraphy’ ng Eat Bulaga matapos na ito’y tila nawala
sa sarili sa kalagitnaan ng laro.
Kinilala ang contestant na si Angelito Calida.
Sa ulat, habang kinakausap ng mga host si Calida ay bigla
na lamang itong lumakad patungo sa kabilang dulo ng stage kung saan nakapwesto
si Singing Queen Anne.
Nagulat naman ang mga host sa naging akto ni Calida kahit
na sinubukan itong sinita.
Sumenyas pa ang mga host ng Eat Bulaga sa production team
upang ipabatid na tila may mali sa contestant.
Ngunit, sa kabila nito ay nagpatuloy pa rin ang contestant
sa kaniyang akto hanggang sa naabot nito si Singing Queen Anne at bigla nalang
niyakap.
Dito na agad na lumapit ang mga host, floor director at
marshall kay Calida upang kamustahin ito tsaka tinanong kung ito ba ay
kinakabahan.
Dahil sa naging akto ni Calida, napagdesisyunan nalang ni
Bossing Vic na huwag na itong paglaruin at mabilis na ipinatingin sa medic.
Hinangaan naman ng mga manonood ang pinakitang
professionality ng mga host, lalo na si Miles na tila binuhat ang sitwasyon.
Kumalat naman ang ilang teorya tungkol sa nasabing
contestant at ang ilan ay sinabi na maaring stalker ito ni SQ Anne.
Ngunit may ilan naman ang sinabi na maaring sobra lamang
ang nerbyos ni Calida kaya't nawala ito sa sarili.
0 Comments