Iniimbestigahan ng pulisya ang kapitan na sakay ng lumubog
na yate sa posibleng ‘manslaughter’ ng mga biktimang sakay nito.
Sa ulat, kinilala ito kay James Cutfield, 51-anyos na
isang New Zealand national at isa sa 15 kataong nakaligtas mula sa lumubog na
Bayesian na naging sanhi ng pagkamatay ng pitong katao kabilang na ang UK tech
tycoon Mike Lynch at anak nitong babae.
Inanunsyo ng mga prosecutor sa isang isla sa Italy na nagsasagawa
sila ng imbestigasyon sa posibleng krimen ng kapabayaan sa pagkawasak ng barko
at pagpatay sa mga biktimang sakay nito sa gitna ng bagyo.
Hindi naman pinangalanan ang mga suspek.
Samantala, matapos ang ilang araw ng matinding search and
rescue operation ay natagpuan na ang katawan ng mag-amang Lynch kasama ang anim
pang biktima na wala nang buhay.
0 Comments