Tinawag na “ilegal” ng Philippine Coast Guard ang
ginawang pagharang ng China Coast Guard (CCG) sa kanilang barko na nagsasagawa
ng humanitarian mission sa Escoda Shoal.
Sa pahayag ni Jay Tarriela, nakatakdang maghahatid ng mga
pagkain at mga suplay ang PCG para sa mga tauhang nakatalaga sa BRP Teresa
Magbanua sa Escoda Shoal.
Ngunit, sa kasagsagan ng kanilang misyon ay nag-deploy ng
maraming pwersa ang People’s Republic of China (PRC) na binubuo ng kabuuang 40
vessels kabilang na ang anim na Chinese Coast Guard (CCG), tatlong People’s
Liberation Army Navy (PLAN) warships, sa pagtatangka na hadlangan ang
humanitarian operation ng PCG.
Naroon din ang presensya ng 31 Chinese Maritime Militia
(CMM) vessels sa katubigang sakop ng Escoda Shoal.
Dahil dito ay nananawagan ang PCG sa China na sumunod sa
international law at itigil na ang pag-deploy ng mga maritime forces na
maaaring magdulot ng hindi magandang pangyayari.
0 Comments