Sumabog nitong Huwebes, Agosto 22 ang isang bulkan sa
southwestern Iceland, ayon sa tanggapan ng meteorology.
Ito na ang ikaanim na outbreak magmula noong Disyembre
kung saan nagmistulang fountain ang mga lava at usok sa bukana ng sumabog na
bulkan.
Lumalabas sa mga pag-aaral na ang magma na naiipon sa
ilalim ng lupa ay isang senyales ng panibagong volcanic activity sa lugar na
matatagpuan sa katimugang bahagi ng kabisera ng Iceland, ang Reykjavik.
Ang Iceland na halos kasing laki ng U.S.
state ng Kentucky ay mayroong mahigit 30 na aktibong mga bulkan.
Dahil dito, itinuturing na pangunahing destinasyon ang
north European island para sa volcano tourism – isang atraksyon para sa mga
turista.
0 Comments