Binalikan ng dating magkarelasyon na Julia Barretto at
Joshua Garcia ang kanilang naging relasyon at sumagot sa kani-kanilang mga
tanungan tungkol sa pagsisisi at hiling sa bawat isa.
Nang tanungin ni Joshua si Julia kung humiling ba ito na mas
dapat pang ipaglaban niya ang kanilang relasyon, “We want people to fight for
us, so yeah,” sagot ng aktres.
“I mean, it’s true. We want people that we fight for,
fight for us back. So, take a hint,” dagdag pa nito.
Nang tanungin naman ni Julia si Joshua kung
pinagsisisihan ba nito ang kanilang relasyon, agad naman itong sinagot na “hindi”
ng aktor.
“Of course not. Hindi ko siya nire-regret. Two years
‘yon, ang tagal nung relationship. Ang daming itinuro sa akin na nagamit ko sa
mga sunod ko na relationship,” pahayag ni Joshua.
Sinabi pa ni Julia na ang pamilya nito’y “genuinely cared”
para kay Joshua noong sila pa.
Inilarawan din ng aktres na si Joshua ay isang “good
partner” kung kaya’t inamin nitong na-miss niyang makasama sa set ang actor.
Magugunita na sina Joshua at Julia ay naging
magkasintahan mula 2017 hanggang 2019.
0 Comments