Patay ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Panay Island matapos ang engkwentro nitong Lunes sa Calinog, Iloilo.
Ayon sa Philippine Army Spearhead Troopers, nangyari ang
bakbakan habang nagsasagawa ng combat operations ang tropa ng 12th
at 82nd Infantry Battalions bilang tugon sa mga report ng mga
armadong NPA na naroroon sa lugar.
Tinatayang na humigit-kumulang sa 15 na pinagsamang
miyembro ng Regional Headquarters (RHQ) at ang Central Front of Komiteng
Rehiyon – Panay (CF, KR-P) ang naengkwentro ng mga sundalo bandang alas-10:48
ng umaga.
Tumagal naman ang bakbakan ng 15-minuto kung saan mabilis
na tumakas patungong northwest ang mga NPA at iniwan ang kanilang kasamahan na
nasawi sa naturang engkwentro.
Narekober din sa lugar ang ilang matataas na kalibre ng
baril at mga armas na kinabibilangan ng M16 assault rifle, an M14 rifle, an
AK-47, an Ultimax 100 light machine gun, an M203 grenade launcher, three rifle
grenades, magazines loaded with ammunition for the aforementioned firearms,
four bandoliers, eight backpacks containing personal belongings, two laptops
with chargers, 10 cellphones, five hard disk drives, 42 flash drives, six SD
cards, three memory cards, a broadband device, a pocket WiFi, a solar panel, an
NPA flag, subversive documents, and assorted medical paraphernalia.
Samantala, sugatan naman sa panig ng mga sundalo ang isa sa
kanilang kasamahan ngunit kasalukuyan na itong nasa maayos na kondisyon.
0 Comments