Patay ang dalawang Pinay sa isang banggaan ng kotse sa Devil’s Slide sa kahabaan ng Highway 1 sa California.
Kinilala ang mga biktima na sina Brylyn Aroma, 36-anyos ng Fort Riley, Kansas; Angelica Gacho, 28-anyos at Mohammad Noory, 29-anyos na parehong taga-California.
Napag-alaman na ang mga biktima ay nagsilbi sa US Army kung saan si Aroma ay isang 68W combat medic medalist habang si Gacho ay communications specialist at 92W water treatment specialist, at si Mohammad Noory ay nagtatrabaho nilang US military interpreter sa Afghanistan.
0 Comments