ATAUL SA DAVAO DEL SUR, NAMATAAN SA KALSADA



Nakaramdam ng kaba ang mga residente ng Barangay Astorga sa Sta. Cruz, Davao del Sur nang mamataan ang isang ataul sa national highway ng naturang lugar.

May pag-aalinlangan namang nilapitan ito ng mga residente at motorista lalo na’t wala namang ibang tao roon.

Sa ulat, nang binuksan ang ataul ay wala namang nakitang bangkay.

Sinabi naman ng mga nakasaksi na nahulog umano ito sa isang multicab truck at hindi na napansin ng drayber nito.

Samantala, agad naman itong naibalik sa may-ari nang pinaharang sa checkpoint ang nasabing sasakyan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog