Malagim na trahedya ang sinapit ng batang lalaki matapos itong mamatay nang mahulog sa kaldero ng kumukulong sabaw ng batchoy sa Carles, Iloilo.
Ayon sa ulat, ang biktima ay may edad na dalawang taong
gulang at nagtamo ng fourth-degree burns sa katawan.
Naisugod pa ito sa ospital ngunit idineklara din siyang dead-on-arrival.
Sinasabing posibleng naglalaro ang bata sa kaldero nang
mangyari ang insidente.
Napag-alaman na sinikap ng ina at mga kapitbahay ng biktima
na maitawid sa dagat ang biktima at maidala sa ospital ngunit dahil sa
katagalan ng byahe ay bumigay na ang katawan nito.
0 Comments