Agad na pinalilikas ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga Pinoy dahil sa nangyayaring gulo doon.
Sa Facebook post, naglabas ng abiso ang embahada na hinihikayat
nila ang mga Pilipino na agad lisanin ang naturang bansa at unahin ang kanilang
kaligtasan habang nananatili pang nag-o-operate ang mga paliparan.
Dagdag pa rito, inirekomenda pa ng embahada na kung
sakali hindi sila makaalis ng Lebanon ay agad na lumikas sa mga ligtas na lugar
sa labas ng Beirut, South Lebanon, at sa Bekaa Valley.
Para sa Repatriation assistance, i-fill out lang ang repatriation
form sa pamamagitan ng link: https://tinyurl.com/2024Repatriation
Additionally, contact the following numbers for further
assistance:
For all OFWs (documented or undocumented): +961 79110729
For OFs (Dependents with Permanent Resident Status, i.e.,
wife iqama): +961 70858086
0 Comments