Dalawang doktor at tatlong iba pa kabilang na ang
personal assistant ni Matthew Perry ang sinampahan ng kaso matapos bigyan ng
maraming ketamine ang aktor, isang powerful sedative na naging dahilan ng pagkamatay
nito.
Ayon kay U.S. Attorney Martin Estrada, sangkot sa mga
nasasakdal ang isang babaeng kilala sa Los Angeles bilang “Ketamine Queen” at
bahagi ng isang malawakang underground criminal network na namamahagi ng droga
sa aktor at iba pa.
Dagdag pa ni Estrada na sinamantala aniya ng mga akusado
ang isyu sa addiction ni Perry upang pagyamanin ang kanilang sarili.
Matatandaang namatay ang aktor sa edad na 54 mula sa “acute
effects” ng ketamine at iba pang factors na naging dahilan ng pagkawalan nito
ng malay at nilunod ang sarili sa hot tub noong Oktubre, batay na rin sa
inilabas na resulta ng autopsy.
0 Comments