Nakakalungkot ang sinapit ng isang ama nang madatnan
nitong wala nang buhay ang kaniyang pamilya.
Sa ulat ng Reuters, kumuha lang ng birth certificates si
Mohammed Abu Al-Qumsan para sa kaniyang bagong panganak na kambal nang
madiskubre nitong patay na ang mga ito kasama ang kaniyang asawa at nanay mula sa
pag-atake ng Israeli sa Gaza apartment.
Nagawa pang iwagayway ng ama ang mga laminated na dokumento
ngunit sa morgue pala patutunguhan nito.
"My wife is gone, my two babies and my
mother-in-law. I was told it's a tank shell on the apartment they were in, in a
house we were displaced to," saad ni Abu Al-Qumsan.
Samantala, aabot na sa 40,000 katao ang namatay at
nasugatan mula sa paghihigante ng Israel, ayon sa Gaza health authorities.
0 Comments