Ka-K5, naranasan mo
na bang masumbatan ng taong nangutang nang hindi mo napagbigyan?
Viral ngayon ang
isang post ni Arianne nang ibahagi nito ang screenshot ng conversation kung
paano binara ng inuutangan ang kakilalang umuutang sa kaniya matapos mag-react
sa ipinost nitong grocery.
"Yabang
pwe!", saad ng umuutang.
"pero pag
inutangan wala laging pera," dagdag pa ng umuutang.
Sa isang ulat, mangungutang
daw ito ng P2,000 pesos na ipambibili ng diaper ng anak ngunit hindi ito
pinautang dahilan na nagalit ito.
"may pang
yabang Pero walang pampa utang pwe!" sabi pa nito.
"Teh di ko
naman responsibilidad yang anak mo" sagot naman ng inuutangan.
"maaga ka
kasing nag pa iy*t." dagdag na tugon nito.
Dahil dito,
maraming netizens ang napa-react at napakomento sa naging pahayag ni Arianne.
“deserve😂, wag mag anak pag wala pambili diapers uyy🙈🙈” komento ng isang netizen.
“Nagladi ka KC
tapos sa iba mo iaasa Ang PNG diaper at gatas Ng anak mo....wow ulurang Ina 😅Ikaw na te hakot award 🤣😅✌️nakakaluka😂😂😂” saad pa ng isa.
“Hahahaha na realtalk e, nasampal ng katotohanan 🤣”
0 Comments