KAWATAN SA VIRAL VIDEO SA CEBU, NAHULI NA



Naaresto na ng pulisya ang lalaking nagtangkang nakawin ang cellphone ng isang mallgoer sa Cebu City.

Sa ulat, inamin ng suspek na si Jeffrey Cabreros ang ginawang pagnanakaw sa isang mall na nakunan pa ng video upang may ipambili umano ng school supplies ng mga anak.

Namataan ng mga pulis si Cabreros na pagala-gala sa Sitio Mayahay sa Brgy. Carreta.

Mabilis din itong nakilala nang mamukhaan sa isang viral video.

Matatandaang ibinahagi ng isang biktima ang video ng pasimpleng pagtangay ng suspek sa cellphone na nakalagay sa loob ng bag habang sila’y nag-eenjoy ng kasama sa isang mall sa Cebu City.

Ngunit, mabilis itong napansin ng biktima at agad na inagaw sa suspek ang natangay nitong cellphone.

Maririnig din sa video ang paghingi ng paumanhin ng suspek.

Samantala, napag-alamang hindi ito ang unang beses na ginawa ng suspek sa halip ay nakulong na din ito sa kaparehong kaso ng pagnanakaw.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog