Inulan ng missile attack ng Russia ang childrens’
hospital sa Kyiv, Ukraine nitong Lunes na ikinamatay ng humigit-kumulang 36 na
mga indibidwal.
Makikita sa mga larawan ang mga magulang na umiiyak
habang hawak-hawak ang kanilang sanggol na naglalakad sa kalye sa labas ng
ospital matapos ang pambihirang pag-atake mula sa himpapawid.
Ayon sa ulat, nasa 50 civilian buildings kabilang na ang
mga residential houses, business center at dalawang medical facilities ang nasira
sa Kyiv dahil sa ginawang missile attack ng Russia.
Kaugnay nito, daan-daang residente sa Kyiv ang
nagtulong-tulong sa rescue operation, pagbibigay ng relief goods, medical
assistance gayundin sa pag-alis ng mga naiwang debris ng pagsabog.
Nagpahayag naman ang pamahalaan ng Ukraine ng araw ng
pagluluksa ngayong araw ng Martes, Hulyo 9, para sa isang pinakamatinding air
attacks ng gyera.
Samantala, mariin namang itinanggi ng Moscow ang
pag-target sa mga civilian at civilian infrastructure kahit na libo-libo ang
naitalang namatay magmula ng ilunsad ang kanilang pag-atake.
0 Comments