TURNOVER CEREMONY PARA SA BAGONG DEPED SECRETARY, ISINAGAWA NGAYONG ARAW

 


Opisyal nang itinurn-over ni Vice President at dating DepEd Secretary Sara Duterte ang bandila at simbolo ng kagawaran kay incoming DepEd Sec. Senador Sonny Angara sa ginanap na turn-over ceremony ngayong araw, Hulyo 18.

Pagkatapos nito ay inilibot pa ni VP Duterte si Angara sa opisina ng DepEd gayundin sabay na nagtanim ang dalawa ng puno bilang symbol ng kanilang legasiya sa naturang ahensya.

Nag-iwan din ng mensahe si dating DepEd Sec. kung saan nabanggit nito na “Welcome to the Chaos”.

“Sabi ko kamakailan, kahit anong kwento, kahit gaano pa kaganda, ay nagtatapos rin. Subalit matapos man ang kwento ay hindi naman nangangahulugan na dapat ring matigil ang pangarap at pagsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagtupad nito,” dagdag pa ng bise.

Samantala, magiging epektibo naman bukas, Hulyo 29 ang pagbibitiw ni VP Duterte bilang kalihim ng kagawaran.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog