6 FOREIGN NATIONAL, PATAY NA NANG MATAGPUAN SA ISANG HOTEL SA BANGKOK


Patuloy ang imbestigasyon sa anim na foreign nationals na natagpuang patay sa isang room ng hotel sa Bangkok, Thailand nitong Martes.

Ayon sa ulat, ang anim na foreign nationals ay mga Vietnamese ngunit dalawa sa kanila ay may passport na US.

Sinasabing nag-checked in ang mga ito sa Grand Hyatt Erawan hotel sa Bangkok, Thailand sa magkahiwalay na oras nang sila’y dumating nitong Sabado at Linggo.

Lumalabas sa imbestigasyon na magkahiwalay na rooms nag-checked in ang mga biktima ngunit natagpuan ang kanilang mga katawan sa iisang kwarto. Hindi din sila nakitaan ng senyales na nanlaban.

Pahayag ni police official Thiti Saengsawang na hindi isang self-harm ang nangyari kundi may taong nasa likod ng kanilang pagkamatay.

Dahil dito ay tinutukoy na ng mga pulisya ang ikapitong tao na sinasabing konektado sa pagkamatay ng grupo.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog