Patay ang 16 na indibidwal matapos na mangyari ang sunog sa shopping centre ng southwestern China.
Ayon sa ulat, gabi ng Miyerkules nang makita ang maitim at
makapal na usok palabas sa 14-storey tower sa Zigong, Sichuan province.
Dagdag pa rito, nagsimula ang sunog sa isang shopping
center sa paanan ng naturang gusali.
Bandang 3:00 am na ngayog Huwebes nang matapos ang rescue
operation sa naturang sunog.
Kung saan, nasa 30 katao ang na-rescue mula sa sunog
habang 16 naman ang patay.
Samantala, ang sunog sa China ay karaniwan nang
nangyayari sa lugar dahil sa kawalan ng lax safety standards at hindi maayos na
pagpapatupad nito.
0 Comments