Patay ang 11 katao matapos na bumigay ang tulay sa
highway sa Shaanxi province sa hilagang-kanluran ng China bunsod ng pagbaha.
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente bandang 8:40 ng gabi
nitong Biyernes sa kasagsagan ng matinding buhos ng ulan na naging sanhi ng
pagbaha.
Sinasabing ilang mga sasakyan ang nahulog sa ilog dahilan
ng pagkasawi ng nasa 11 katao.
Mabilis namang inaksyunan ng pamahalaan ng China ang
nangyari kung saan ipinadala ang rescue team na binubuo ng 859 katao, 90
vehicles, 20 mga bangka at 41 drones.
Kaugnay nito, itinuturing na nasa kritikal ang sitwasyon
ngayon ng bansang China dahil sa naturang kalamidad.
Samantala, na-trap naman ang ilang mga matatanda sa isang
nursing home at mga villagers sa Henan province na sentro ng China dahil sa
pagbaha.
0 Comments