14-ANYOS PATAY SA NIPAH VIRUS SA INDIA


Patay ang 14-anyos na binata matapos itong dapuan ng Nipah virus sa Kerala state ng India, ayon sa health minister ng lugar.

Ayon sa imbestigasyon, itinuturing na kabilang ang ilang bahagi ng Kerala sa mga nanganganib na lugar na maglaganap ang nasabing virus.

Ang Nipah ay nanggagaling sa fruit bats at mga hayop tulad ng baboy na posibleng magdulot ng nakakamatay na brain-swelling na lagnat sa mga tao.

Isa ang Nipah sa mga priority pathogen ng World Health Organization (WHO) dahil sa potensyal nitong mag-trigger ng epidemya lalo na’t wala pa itong bakuna upang maiwasan ang infection gayundin wala pang treatment para gamutin ito.

Ipinahayag ni Veena George, state health minister, ang lalaking nahawaan ng Nipah virus ay namatay nitong Linnggo matapos itong ma-cardiac arrest.

Dahil dito, nag-isyu na ng kautusan ang pamahalaan sa India na mag-set up ng 25 committees upang suriin at i-isolate ang mga taong affected ng nabanggit na virus.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog