KOREAN ACTOR YOON SHI YOON, NASA PILIPINAS PARA MAG-ARAL NG ENGLISH



Isinapubliko ng Korean actor na si Yoon Shi-yoon na ito’y nasa Pilipinas upang mag-aral ng Ingles.

Sa kaniyang live broadcast sa Youtube nitong Hulyo 20, ibinunyag nito ang kaniyang pagtira sa Pilipinas para aralin ang lenggwaheng Ingles sa umaga habang nag-eehersisyo naman ito sa gabi.

Aniya, kasabay ng kaniyang pag-aaral ng Ingles ay nakapagbawas ito ng 4 kg sa kaniyang timbang matapos ang isang buwang pananatili sa bansa.

Layunin ng Korean actor na kaya ito nag-aaral ng Ingles upang buong kumpiyansa siyang makapagsalita ng naturang lenggwahe sa mga shows o sa mga dayuhan.

 Si Yoon Shi-yoon ay nakilala sa kaniyang sitcom na “High Kick Through the Roof” at sa mga dramas na “King of Baking, Kim Takgu” at “Nokdu Flower.”

Dati rin itong cast member ng variety show na “2 Days & 1 Night”.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog