Inulan ng batikos ang underground South Korean rapper na
si Ch1tkey o Jung Joon Hyuk nang mabuking ng netizens ang pagpapanggap na patay
na ito.
Sa ulat, ikinagulat ng mga supporters nito nang ibalita
ang biglaan umano nitong pagkamatay nang ito’y maaksidente dahil sa pagkasa
niya sa isang challenge ng kanyang fan.
Mismong kasamahan at kaibigan pa ng nasabing rapper ang
nagkumpirma sa pagkamatay nito matapos mahulog sa five-storey na gusali habang
ginagawa ang hamon.
Sinasabing naisugod pa umano si Ch1tkey sa ospital pero
idineklara ding dead on arrival.
Ngunit, ilang sandali lang nang umano’y pagkamatay ng
rapper ay isang netizen ang nag-post at pinabulaanan ang pagkamatay nito.
Rebelasyon nito: “Someone I know lives in the apartment
building where Ch1tkey lives.
“The police came, and someone inside said it was a stunt
to draw attention for his album.
“Both his girlfriend and Ch1tkey were present."
Kasunod nito ang pag-post ng Instagram reel ni Ch1tkey,
kalakip ang caption na “Nice to see you lol.”
Dahil dito, maraming netizens ang umalma sa hindi
nakakatuwang prank ng rapper.
“We don't support Chitkey. He faked his death. Got his
girlfriend and friend to play along. You don't joke about something so serious
like that. He is old enough to know that”, komento ng isang netizen.
“Pathetic attention seeker”, dagdag pa ng isa.
0 Comments