ILANG LUGAR SA CAVITE, IDINEKLARANG NASA STATE OF CALAMITY


 

Isinailalim na sa state of calamity ang ilang bahagi ng Cavite dahil sa oil spill mula sa lumubog na tanker.

Kabilang sa naturang state of calamity ang mga lugar ng Bacoor, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon, at Ternate.

Ayon kay Governor Jonvic Remulla, ipinagbabawal muna ang paghuhuli ng lahat ng uri ng shellfish sa kanilang lugar.

Kung kaya’t puspusan na ang agad na pamamahagi ng relief goods para sa 25,000 na mga apektadong fisherfolks.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog