Naging isa nang tourist attraction ang isang fir tree na
pinutol sa kalahati ng nagreklamong kapitbahay.
Namangha naman ang ilang mahuhusay na tree surgeons na
nagsagawa ng proseso dahil talagang hindi na muling tumubo ang kalahati ng
puno.
Sa ulat, nagkaroon ng hindi pagkakasundo ang magkapitbahay
na Bharat Mistry at mag-asawang Graham at Irene lee sa Sheffield suburb sa
Waterthorpe, Sheffield, United Kingdom.
Nagulat na lamang si Bharat nang putulin ng mag-asawang
Lee ang fir tree na nakapwesto sa pagitan ng kanilang properties.
Ang naturang puno ay may taas na 16 feet at 25 years nang
nakatayo sa labas ng kanilang mga bahay na nagsisilbing marker na humahati sa kanilang
nasasakupan.
Sa halip na itumba ang buong puno ay pinutol ito sa gitna
kung saan naiwang nakatayo ang kalahati nito sa property ni Bharat.
Naging ugat ng pagputol sa fir tree ay ang pagkakalat ng
dumi ng mga ibong nagpupugad sa nasabing puno sa mga sasakyan at driveway ng
mag-asawang Lee.
Kung kaya’t naisipan nilang putulin ito nang patayo.
Samantala, mula nang mangyari ito ay hindi na muling
nagkasundo pa ang dalawang panig lalo na’t ginawang katatawanan ang ginawang
pagputol sa puno.
0 Comments