Ngayong araw, Hulyo 4, ipinagdiriwang ang U.S.
Independence Day at ang Philippine-American Friendship Day.
Ngunit, bago ito ay dating naging Independence Day ang
araw ng Hulyo 4 kung saan ginugunita ang paglagda sa Treaty of Manila, na
nagbibigay kalayaan sa Pilipinas mula sa United States of America noong 1946.
Sa katunayan, unang ipinagdiriwang ang Kalayaan ng
Pilipinas sa Hulyo 4 ngunit inilipat ito ni dating pangulong Diosdado Macapagal
sa Hunyo 12, 1898 kung saan inisyu ni Emilio Aguinaldo ang Philippine
Declaration of Independence mula sa Espanya.
Noong 1955, nag-isyu ng Presidential Proclamation No. 212
si dating pangulong Ramon Magsaysay na nagtatatag ng pagdiriwang ng Philippine
American Day tuwing Nobyembre 15 – anibersaryo ng inagurasyon ng Commonwealth.
Sa ilalim ng administrasyong Ferdinand Marcos, pinalitan
ang Philippine-American Day ng “Philippine-American Friendship Day at inilipat
sa Hulyo 4, na sumasakop sa paggunita sa petsa bilang Republic Day.
Ang selebrasyong ito ay ipinagdiriwang sa Pilipinas upang
alalahanin ang mahabang partnership ng dalawang bansa.
0 Comments