Nakatakdang ipapamahagi na sa Biyernes, Hulyo 5 ang
natitirang Health Emergency Allowance (HEA) ng mga healthcare workers sa buong
bansa.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) Sec.
Amenah Pangandaman, aabot pa sa P270-bilyon ang natitirang HEA.
Sinabi pa ni Pangandaman na ito ang pangakong kanilang
binitawan na kahit sa 2025 pa ito hinihiling ng DOH ay agad nilang ibibigay ito
sa mga healthcare workers na naging frontliners noong kasagsagan ng pandemia.
Nauna nang ibinigay ng DBM ang nasa P91.2-bilyon sa DOH
para sa Public Health Emergency Benefits and Allowances (PHEBA) na sumasaklawa
rito ang lahat ng benepisyo ng mga healthcare workers mula 2021 hanggang 2023.
Mula sa naturang halaga, P73.2-bilyon ang naging
alokasyon para sa HEA.
Samantala, kabila sa PHEBA ang Special Risk Allowance
(SRA), compensation para sa COVID-19 sickness and death, at ang karagdagang benefits
tulad ng meals, accommodation, at transportation allowances para sa mga healthcare
workers.
0 Comments