PIA WURTZBACH AT MGA KASAMA, NA-STUCK SA ELEVATOR SA PARIS


 

"Happy na, birthday pa! Panic party in the elevatorrrr "

Na-stuck sa elevator ang 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at mga kasama nito habang nasa Paris, France.

Sa post ni Wurtzbach, ibinahagi nito ang video ng pagka-stuck nila sa loob ng elevator kasama ang kapatid niyang si Sarah Wurtzbach at photographer na si Magic Liwanag.

“Thought we only saw this in movies 😂 Here’s another adventure with @sarahwurtzbach and @magicliwanag…on his birthday!” caption nito.

Sa halip na mag-panic ay nag-video na lamang ang mga ito sa loob ng elevator habang naghihintay ng tulong na makalabas sila.


Sa kabila nito, tiniyak ng beauty queen sa mga tagahanga nito na nasa maayos na itong kalagayan mula nang sila’y ma-stuck sa elevator.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog