AKLANON, KINILALA SA NEW YORK CITY

 


Nagbahagi ng isang malaking karangalan ang isang Aklanon matapos na maging recipient ng “Roberto N. Padua Memorial Award for Excellence in Research Presentation” sa New York City.

Kinilala ito kay Dr. Mary Cherry Lynn Tabernilla ng Department of Education – Division of Aklan.

Nakuha ni Tabernilla ang nasabing prestihiyosong parangal dahil sa natatanging presentasyon sa Track 2: Human Resource Development: Challenges and Changes.

Ang kaniyang pag-aaral ay may pamagat na “The Story of Behind ‘London’ (Loan Dito, Loan Doon): Exploring Teachers’ Personal, Economic, and Debt Profile in Relation to Their Attitude Towards Spending, Debt Acquisition, and Debt Management’.

Maliban dito, nakatanggap din si Tabernilla ng ganap na AFTEA International Membership bilang pagkilala sa kaniyang commitment at kontribusyon sa larangan ng edukasyon.

Samantala, pinuri naman ng Association of Filipino Teachers and Educators in America, Inc. si Tabernilla sa kaniyang dedikasyon at naging kontribusyon para sa educational research at development.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog