Isang malawakang car accident ang nangyari malapit sa
City Hall Station ng Seoul sa Jung-gu, Seoul na ikinamatay ng humigit-kumulang
siyam na katao habang apat ang sugatan.
Ayon sa National Fire Agency, habang naghihintay ang mga
biktima sa pedestrian na makatawid ay may biglang humarurot na isang itim na
sasakyan na minamaneho ng isang mahigit 60-anyos na lalaki.
Depensa naman ng drayber na biglang nagkaroon ng
acceleration o biglaang pagbulusok ang kaniyang sasakyan dahilan na dumiretso
ito sa mga biktimang nasa pedestrian at nabangga sa dalawa pang sasakyan.
Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga
pulis ng South Korea ukol sa nangyaring aksidente.
0 Comments