MAG-ASAWANG DALA-DALA ANG NAMATAY NA SANGGOL, PATAY DIN SA AKSIDENTE



Patay ang mag-asawang sakay ng motorsiklo nang ito’y sumalpok sa isang pick-up truck sa Zamboanga del Norte.

Dala-dala din ng mga biktima ang bangkay ng kanilang namatay na sanggol nang mangyari ang aksidente.

Sa isang ulat, papauwi na sana ang mag-asawa nang magkasagian sila ng convoy na motorsiklo dahilan para mawalan ng kontrol ang drayber at napunta sa kabilang linya ng kalsada. Dito na nila nakasalpukan ang paparating na pick-up truck.

Isinugod pa sa ospital ang mga biktima ngunit idineklara din itong dead on arrival.

Samantala, nagkaroon na ng pag-areglo sa pagitan ng pamilyang nasawi at sa drayber ng truck na hindi na magsasampa pa ng reklamo.


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog