PERMANENTENG PANINIRAHAN SA TUSCANY, ITALY, MAY BAYAD NA P1.8-MILYON

 



Ka-K5 tatanggapin mo ba ang alok na P1.8-milyon sa kondisyong  maninirahan ng permanente sa Tuscany, Italy?

Naglunsad ng programa ang bansang Italy upang makapanghikayat ng mga turista na permanenteng manirahan sa rehiyon ng Tuscany.

Tinawag itong “Residenzialita in Montagna 2024” program na ang ibig sabihin ay Residency in the Mountains 2024.

Naitampok sa mga kilalang pelikula ang lugar ng Tuscany, isang rehiyon sa central Italy, gaya ng Life Is Beautiful (1997), Gladiator (2000), Under The Tuscan Sun (2003), The Twilight Saga: New Moon (2010).

Ito rin ang lugar ng kapanganakan at kinalakihan ng mga kilalang Italian figures ng Renaissance period tulad ng artist and architect na si Michelangelo, painter na si Sandro Botticelli, at architect na si Filippo Brunelleschi.

Bukod sa paninirahan ng permanente sa Tuscany ay babayaran pa ng Italian government ang sinumang interesado ng financial incentive na 10,000 euros -30,000 euros o $10,720-$32,161(PHP628,000-PHP1.8 million) para ma-cover ang at least 50 percent na gastusin para sa pagbili at pagpapa-renovate ng bahay.

Sa mga gustong manirahan ay maaari silang mamili mula sa 76 na mga bayan ng Tuscany region.

Magtatagal naman ang application hanggang Hulyo 27, 2024 at nagsimula nitong Hunyo 2024.

Sa ulat, sa sinuman ang bibili ng property sa Tuscany ay dapat maging permanent resident ng lugar. At kapag nagpa-register ka bilang residente ng Italian town, hindi ka puwedeng maging residente ng iba pang bayan.

Ang naturang programa ay bukas para sa mga Italian citizens, European Union (EU) citizens, at non-EU citizens na may long-term residency na hindi bababa sa sampung taon.

Kailangan ding may financial stability kahit papaano.

Layunin ng programa na mahikayat ang muling pagdagdag sa populasyon ng lugar at ang socio-economic revitalization ng mga lugar sa kabundukan.

 

Malaki kasi ang pagbaba sa bilang ng populasyon sa lugar nitong mga nakalipas na taon at inaasahang hindi na magus-survive matapos ang 25 taon.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog