PAG-RESCUE SA MGA BIKTIMANG SAKAY NG SUMABOG NA FISHING BOAT NA NAGLALAYAG SA BAJO DE MASINLOC, TINANGKANG PIGILAN NG CCG



Sinubukang pigilan ng mga tauhan ng China Coast Guard ang isasagawang rescue operation ng Philippine Coast Guard sa mga biktimang sakay ng sumabog na fishing boat nitong Sabado.

Ayon sa PCG, nagkaroon ng problema sa baterya ng state motor dahilan ng pagsabog ng naturang fishing boat.

Kung saan, nagtamo ng second degree burn ang dalawa sa walong mangingisda.

Nakatakdang magsasagawa ng rescue operation ang PCG nang tinangka silang harangin ng CCG na namataan malapit sa lugar.

Naispatan din malapit sa insidente ang dalawang China Coast Guard vessel.

Ipinahayag ni CG Read Admiral Balilo na tumigil din sa pagsunod ang CCG at PLA Navy sa barko ng PCG nang ipaalam sa kanila ng Angel of the Sea ang tungkol sa humanitarian mission.  

Dahil dito, agad na nabigyan ng paunang-lunas ng PCG ang mga sugatan at itinurn-over sa SBMA Public Health and Safety Department (PHSD) para madala sa pinakamalapit na ospital.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog